Tuesday, 10 April 2012

" Sino si " JOLOGS ?? "

            Sino nga ba si JOLOGS..... ???   Marahil marami sa atin ang ayaw matawag na jologs.  Sila yun mga taong mababaw at madalas itag line ng BADUY.  umamin ka na... pag nakakakita ka ng mga jologs parang gusto mo silang pandirihan lalo na kung ikaw ay kasapi sa organisasyon ng mga nagmamaganda at nagkukunwaring SOSYAL.... oooopppss wag magagalit... pag tinamaan ka ... sapul ikaw na nga ang tinutukoy kong nanlalait sa tulad  nila.... hehehehehhe... mag-ingat hi-tech na ang karma baka mamaya MAINLOVE KA SA ISANG JOLOGS.

            Masarap kaya kasama ang mga jologs... sabihin mo pa na mababaw kami malalim naman kami sa emosyon at intellectual  na aspeto...Halimbawa... gusto mo manood ng movies mapa action o drama o komedya... kami ang unang makaka appreciate for sure.  Hindi ko na alam kung ilan beses ko napanood ang CATCH ME I'M FALLIN' at  I WON'T LAST A DAY WITHOUT  YOU, ni Gerald Anderson At Sarah Geronimo ...at kahit paulit ulit at makabisado ko na ang linya nila kikiligin at kikiligin pa rin ako... Aminin mga jologs ang dahilan kung bakit boxoffice ang movies nila.  Kung may mabigat kang problema yun di mo masabi baka husgahan ka o mamis interpret ka ng iba ..aba humanap ka ng jologs at sigurado gagaan ang pakiramdam mo kasi masasabi mo na sya nga na mababaw hindi mo akalain na makahalukay ng advise na swak na swak sa sitwasyon mo.  Kasi nga mas dama nya ang linya ng buhay...un mababaw nga kaya nya laliman ang meaning un mga malaim pa kaya ang di nya madala sa ibabaw...ooooiiii.... CURIOUS KA NA NO>> ??? parang love mo na kami??? eto pa, ang mga jologs ay may isa pang katangian ang pagiging mas malutong pa sa kakornihan ng KORNIK.. masarap naman ngatain ang korny kung magmahal... SAGANA SA PUSO.. kami ang kapareha ng mga taong sawa na sa socialiate items... socialite guys o gals...un  matatawa ka sa una ... mapapalitan ng tuwa .. mag eevolve sa miss mo na .. maanalyze mo na ganito ang gusto mo makapareha sa buhay un magaang dalhin...un from black and white madedevelop na into colored picture... then BOOOM.. inlove ka na >>>>>>

Kaya ang aking lang masasabi... wag mo husgahan ang bawat tao kung gaano man sya kababaw o kalalim...
kung jologs sya o wow! astig cool ang dating.... Bawat isa sa mundo may kakulangan at BAKA ANG MAKAPUNO NITO AY ANG TAONG DI MO INAASAHAN.... NA ISA "  LANG  " PALANG JOLOGS SA PANINGIN... NA ANG MABIBIGAY NAMAN SA BUHAY MO AY PUNO NG MEANING>>>..

No comments:

Post a Comment